Kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto ng form na ito, makipag-ugnay sa MST sa:
888-678-2871● TTY/TDD 831-393-8111● 711 Relay o email customerservice@mst.org.
Pakisumite nang personal ang form na ito sa address sa ibaba, o i-mail sa:
Monterey-Salinas Transit
Attn: Compliance Analyst/Title VI Coordinator
19 Upper Ragsdale Dr., Suite 200
Monterey, CA 93940
Alinsunod sa U.S. Department of Transportation Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990 (49 CFR Parts 27, 37, 38 at 39), at Seksyon 504 ng Rehabilitation Act ng 1973, bilang naamyendahan, sinisiguro ng Monterey-Salinas Transit (MST) na ang mga serbisyo, sasakyan at pasilidad nito ay accessible at magagamit ng mga indibiduwal na may kapansanan. Sinumang naniniwala na nadiskriminahan siya sa batayan ng kapansanan ay maaaring magsampa ng reklamo sa ADA.
Maaaring isumite ang mga reklamo sa pamamagitan ng pagsampa ng Ulat sa Serbisyong Pang-kustomer/Form sa Pagreklamo sa ADA online, o sa pag-download ng Form sa Pagreklamo sa ADA www.mst.org, o sa pagtawag sa 888-678-2871 (TTY/TDD 831-393-8111). Kung hindi makasulat ang nagrereklamo ng paratang, maaaring magsampa ang kinatawan sa ngalan niya, o tumulong ang kawani ng MST. Ang mga reklamo ay dapat maisampa sa loob ng 180 araw sa kalendaryo ng paratang na insidente.
*Ipoproseso at iimbestigahan ng MST lahat ng reklamo na nakatutugon sa mga inaatas ng diskriminasyon ng ADA. Kung mabigo ang nagrereklamong magbigay ng inaatas na impormasyon sa loob ng inaatas na panahon, maaaring isara ang reklamo.